The shorter story.
- Kumain ng lala (yung fish cracker, hindi yung chocolate ni khaloi!) ang sarap pampulutan!! woohoo. naalala ko tuloy nung kumain kami ng lala kila nell sa taytay. sabay-sabay pa kami nila ralph at nell ngumuya. parang sinusuction yung tunog. tas naglaro kami (sep, je, nell, ralph, reg at al): pagalingan kumain ng lala! dapat walang tunog pag nginunguya. haha. ang hirap ah!! wala tuloy nakagawa. haha.
- Nagsimba sa UP kanina (lunes ngayon!) ang sarap mag-mass dun sa church na bilog (Our Lady of Sacrifice). konti yung tao. tahimik. malamig.. parang pasko na kulang na lang parol. tas may batang nagbebenta ng pang-ipit sa labas ng simbahan., e bihira lang ako kung mag-ipit ng buhok, pag sobrang init lang. e hindi ako bumili.. sabi niya pahingi daw kahit konting barya pambili ng isang kilong pansit para sa birthday ng kapatid niya. e 3 piso na lang barya ko kaya binigay ko na. sana nakatulong pandagdag sa pansit. nakakaawa naman. naisip ko, maswerte pa rin pala talaga ako.
di bale, pag yumaman ako.. tutulungan ko kayo lahat. okay ba yun? ang dami ko talaga gustong gawin sa buhay koooo! :-D
- Sayang wala ako naabutang avocado & strawberry ice cream sa UP.. late na kasi eh. di bale, next time. :(
- May ginagawa akong entry (naiyak nga ako habang ginagawa ko yung first part). haha. by decemeber ko na lang siguro ippublish, mahaba kasi tska hindi pa tapos.