Monday, July 23, 2007 |

MAGPAKATOTOO KA SISTERRRR!

Kanina, walang magawa sa bahay. Naisipan kong buksan ang telebisyon at doon nga'y itinutok ang aking sarili sa panonood ng Pelikulang Pinoy. Wala namang masama, diba? Sa palagay ko, ang huling panood ko ng Tagalog ay noong Disyembre pa.. Sakto sa araw ng pasko. Yung MMFF ba?

Hindi kasi ako mahilig manood ng Pelikulag Lokal. mas gugustuhin ko na lang matulog kaysa manuod kasi pakiramdam ko pare-pareho lang naman sila ng kweno. Yung parang nahuhulaan o agad kung anong mangyayari sa susunod, may mamamatay, may kontrabida (anong pelikula ba naman ang wala diba? may mahirap (at kadalasa'y mahirap ang babae) na maiinlove sa mayamang lalake (edi ayun.. tumakbo ang istorya) tapos ipaglalaban nila ang isa't isa. O diba, pare-pareho lang.

Parang pinulaan ko naman ang mundo ng sining sa ginagawa kong ito. Hindi ko ho naman sinasadya.. Yaan nama'y mga opinyon lang. Para naman baguhin ang istilo sa pag-gawa ng pelikula.

Nakakainis lang kasi lalo na pag narinig mo kung anong titulo ng ibang palabas. Para bang usong uso ang mga theme song at wala ng maisip kaya't ayun na lamang ang ginagawang title. Gaaah. Ang ewan. Kaya naman hindi nakakapagtakang ang laki ng lamang ng mga pelikulang imported kaysa lokal. Bakit kaya hindi nila ibalik sa dati? Dati rati nama'y may sense at may dating ang mga title.. (Tinimbang ka ngunit kulang, Bituing walang ningning, kung mahawi man ang ulap.. ilan lamang yan) Kita nyo, mas mabebenta sila at talagang tumatatak sa isip ng tao. Samantalang ngayon.. parang "para lang may maipalabas at mapanood ang mga tao.. at para kumita na rin."

At isa pa, napansin niyo ba na pag pinalabas na yung mga makabagong pelikula ngayon, laging may kasunod na interbyu sa mga taong lumalabas sa sinehan sabay sigaw/hiyaw (kunwari.. minsa'y scripted pa nga!). Tapos may umaandar na "No.1 sa takilya!" sa ilalim ng inyong telebisyon. Nakakagago. Sana nga kung totoo.

Hay nakoooooo.

Hay naku! ang sama ko..

e yun naman ang totoo.

Pero kanina, natawa ako sa napanuod ko. Hindi ko lang alam yung title ng pelikula na yon. Pero sa tigin ko, bago lang kasi nandun yung ibang bagong artista. Nakakatawa yung palabas. Ewan ko.. O sadyang mababaw lang talaga ako? Kasi 3 silang magkakapatid na puro bakla. Tapos yung nanay nila, hirap bigkasin yung letrang "s" at sobrang tanggap niya yung mga anak niya kahit na bading o ika nga nila'y salot sa lipunan. Komedya ang tema ng palabas kaya nama'y naaliw at napahalakhak ng konti. Hindi naman masamang tumawa, diba?

Naisip ko tuloy, paano kaya maging isang bading? (teka, babae po ako) Mahirap siguro dahil halos lahat ng tao'y kinukutya ka at para bang may nakakahawa kang sakit kung ikaw ay ituring. Mapanghusga talaga ang mga Pinoy.. Bakit, nakakahawa ba ang kabadingan? Hindi naman siguro.

Sabi nila, pag tunay na lalaki ka daw, galit ka sa mga bading (Yung parang gusto mo na lang sila batukan bigla at sabihang : hoy bakla, umayos ka nga!) Totoo ba? Aaminin ko, dati'y galit ako sa mga bading --yung mga malalandi na daig pa ang mga bayaring babae kung pumorma. Parang kung bakla ka, edi bakla ka.. Wag mo na hayaang kutyain at pandirihan ka ng mga tao. Kasalanan mo din yan dahil ganito at ganyan ka kung umasta.

Pero nung napunta ako ng kolehiyo, naintidihan ko ang mundo nila (bagama't hindi ako nagsasalita ng salita nila --gay lingo). Marami kasi akong kaibigang bakla/bading. Masaya naman sila kasama. Yung iba mahirap pakisamahan, yung iba okay.. May sensitive, matampuhin, mabait at higit sa lahat.. may maarte. Gayunpaman, kailangan na lang silang intidihin. wala tayong magagawa, ganun sula.. Kung magbago at maging lalaki edi ayos, kung hindi edi masaya.

Yung ibang tao naman riyan, respetuhin naman natin sila.. Lahat tayo may karapatang pantao. At higit sa lahat.. sa mata ng Diyos, tayo'y pantay pantay.

Kaya yung mga lalaki slash bading pala na takot o hindi pa naglaladlad ng tunay na pagkatao nila.. Wala namang masama, e ano kung pulaan nila kayo? ang mahalaga'y masaya kayo.. diba?

At eto lang ang payo ko sayo.. Uminom ka ng coke.. at MAGPAKATOTOO KA SISTER!!