Dalawampu't isa.
Ang kaarawan. Bow.
Wala namang espesyal na pangyayari. Sa katunayan, nasawi pa kami sa "dapat sanang selebrasyon" ng mga kabarkada ko. Pero ayos lang, masaya naman kahit sa inuman natuloy (meron ba namang birthday na walang inuman?).
beinte uno aƱos na ako. Ganito pa din.. Nagbago. well, madaming pagbabago na hindi maiiwasan pero ayoko ng pag-usapan. kung ano man ang nagbago, edi good kasi nag-grow ka as a person.
Sa landas na ito.. Madami na akong nadaanan.. minsan istreyt, baliko, kaliwa, kanan. Ganun talaga. Tao lang ako.. natututo at nadadapa. May mga pagkakamali, meron din namang tagumpay. Minsan masaya.. kadalasan nama'y malungkot.
Hayy.. Kahit papaano masaya naman. humihinga at nabubuhay.
Sa 21 tao na pananalagi ko sa mundong ito., madami akong nakilala, pinasaya, dinamayan, naka-tagayan, niyakap at minahal. Sa dami nila hindi ko na tuloy alam kung paano ko sila papasalamatan. Salamat at naligaw kayo sa landas ko at ganun din naman ang landas ko sa inyo. Naging masaya at makulay ang pag-angkas ko sa sasakyang ito ng buhay dahil sa inyo. Salamat sa inyo!
Makakalimutan ko ba naman ang pamilya ko na simula't sapul ay nariyan na para sa akin? Malamang hindi. Sa hirap at ginhawa.. Pamilya muna bago ang lahat. Mahal ko kayo.
Sa Poong Maykapal.. Salamat sa biyaya ng buhay.