On Independence..
Badtrip! Graduate na ko. Ayaw pa rin ako payagan lumipat ng bahay for like 2months lang naman, man. Hindi ba badtrip yun? I mean, with that.. Mas magiging independent ako (Like until now, I hate waking up early in the morning and I find it realllllly nakakasar na hindi ako magising gising). So kanina, eto na naman ang topic. Ang paglisan Ko sa bahay namin. Shiyeeeet! Lagi na lang namin to pinag-aawayan (ng mga nakatatanda.. whoelse?) Haaay. nakakainis lang talaga. Na-open yung topic (again and again) sa gitna ng dinner. Siyempre. Parang debate. Haha. Puro salitaan. Ayoko naman talaga sagutin (si Lolo). Wala sa intensyon ko yun. Kasi minsan lang ako magsalita tapos mahuhurt ko pa siya. Diba ang bad? Kung sa bagay, bad naman talaga ata ako na apo. Pero wala eh, muntik na ko sumabog. Naiiyak na nga ako sa galit eh kaya nagdabog na lang ako and malamang obvious naman nila na galit ako. Kasi naman.. Raaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaar talaga!
My side: (warning: This is madraaaama) --
Hindi naman kasi nila ako naiintindihan. I bet, kahit ikaw hindi mo ko maiintindihan. Mahirap ipaliwanag lalu na kung itong pagkakataon na to ang magpapasaya sa akin. I need some space. Ayoko sa bahay. Gusto ko lang maging independent and makapag-focus clearly sa future ko. I wanna learn. learn. learn. I wanna win this game. (what game?). Gusto ko ng tahimik na place. Just alone. Ako lang talaga, promise. Para makapag-isip. Matuto. Lahat naaaa. Basta gusto ko to!!!! Puta! Parang awa nyo na, eto lang ang hinihiling ko. Hindi ako nanghingi ng grad gift or anything.. eto lang talaga.
Their side: (Lolo, Lola and Mommy)
Walang gigising sayo. Walang magluluto. Walang magpplantsa ng damit. Walang maglalaba. Paano kung bigla kang nagkasakit? Kung akyatin ka ng mga magnanakaw at i-rape ka? Hindi safe yung place. Magulo. Mahirap mag-isa. Nakakatakot. Paano pag nag-brown-out? Hindi mo kaya.
Okay, I appreciate your concerns.
2months lang, please. I wanna be independent. I wanna do this. sure, pumasok sa isip ko yung paglalayas (haha!) ang babaw but that's true. Pero matagal na yun. Nevermind. Naisip ko kasi, pag naglayas ka.. It doesn't mean na magiging totally independent ka. Kasi hahanapin ka nila.. then papauwiin. No choice ka naman since you're not capable. Edi dating gawi lang. Mas hihigpit pa sila.. right? Balewala din.
Gusto ko lang talaga ma-feel yung like im ALL Alone. As in ALONE. (well, im always alone naman talaga.. emotionally!) Para alam ko yung gagawin ko pag lahat ng tao nawala sa paligid ko (which is possible). Because right now, All i really have is Myself.
Tapos gusto ko rin gumising isang araw.. magtimpla ng kape. Magbasa. Tapos malaman ko na wala pala akong perang pang-kain at wala akong matakbuhan. Parang.. Hala, anong gagawin ko? Paano ako mabubuhay? Crisis ampu. Ang labo, pare.
Gusto ko lang talaga mapag-isa.