Sagot ko ang kwento.
grabe. feeling ko ang tagal ko nawala. Feeling lang. kaya kwento na lang muna. aryt?
Nung Tuesday (Feb.13) ..tama ba? So, isang araw bago mag araw ng mga puso. yun naman. ;-D akala mo may ka-date ako? wala no. hindi ko kailangan ng ka-date para maging memorable yung valentines ko. Anyways.. ayun. after ng 7pm class namin, nag-plan sila meh ng inuman. Pero kaming tatlo lang nila donna. PUMPKINS eh. akala ko plain inuman lang. as in inom..lagok..pulutan..kwento. Pero hindi. kakaiba ito. nakakatawa. nakakabobo. nakakaaliw. nakakaiyak. sobrang laughtrip. Hindi pwedeng hindi ka matawa sa mga ikkwento ko. Pero huwag ka mag-alala, hindi ko naman ikkwento ng detalye dito kaya hindi ka matatawa.
Nakita pa nga ni meh yung kaibigan niya. e nung pagdating namin sa katipunan e lasing na yung kaibigan niyang yon. 3 lang din sila. (uso ba ang tatlo?) haha. Pupunta pa daw silang UP fair pero sabi ko na lang sa sarili ko, hindi sila matutuloy kasi nga lasing na yung babae. Hindi pa man namin nakakalahati yung 2litro, sobrang lasing na lasing na yung babae (ayoko siyang pangalanan). kaya pabalik-balik siya papuntang kubeta na inaalalayan ng isa pang babaeng lasing. Ayun pa lang, sobrang laughtrip na. Pasensya na kung sobrang pinagtwanan ka namin (e katawa-tawa naman talaga!). Ayun. edi inalagaan lang namin yung mga lasing kasi 2 na silang K.O. at nakakaawa yung isa nilang kaibigan na hindi alam kung paano sila iuuwi. Yung isa taga Commonwealth tapos yung isa sa Cainta. Ginawa namin lahat ng magagawa namin. binuhat para lang makapag-pahinga, kumuha ng yelo at pinunasan ang katawan para magising kahit papaano, humingi ng tubig para makainom, kumuha ng timba para sukahan ng dalawang lasing na babae at tumawag sa mga kakilala. ano ba.. nakakaaliw talaga panuorin ang mga lasing.
Hinayaan muna namin silang makapag-pahinga ng kaunti. Bumalik kami sa mesa ni meh at pinagpatuloy ang naiwang inumin. =s. medyo bumilis ang pag-inom namin. kasi napagod kami kaya kinailangang uminom ng madami. haha! hindi pa man ubos ang isang dalawang litro, pinuntahan kami ni manong at sinabing "Last order na po Ma'am.." GREAT! Kung tutuusin, kami na lang pala ang tao doon. lahat ay umuwi na ng lasing. 3 na lang kaming masayang naghahalakhalakan habang sila'y nagwawalis. Ayun. Edi umorder na kami ng isa pa. Hindi naman namin minadali, bahala sila maghintay!
O, teka.. Alas dose na pala.. HAPPY VALENTINE'S MY DEAR PUMPKINS! sabay yakapan na ng mahigpit. Pero bago pa man mag alas dose, kanina pa rin kami nagkkwentuhan tungkol sa buhay, pamilya, pag-ibig, lahat lahat lahat na. masasayang at malulungkot na kwento. Halo-halo. Ganito naman kaming tatlo eh, ilagay mo kami sa isang lugar ay mabubuhay kami sa kwentuhan. masyado marami lang talagang problemang dumadating at kailangan ng karamay. kailangan namin ang isa't-isa.
Hindi ko na maalala yung pinagkkwentuhan namin ng bigla na lang kaming nag-iiiyak. hagulgol. Pero ang naalala ko lang bigla na lumapit silang tatlo saakin at yumakap ng mahigpit. Haha. ano yun? secret. na-touched lang kasi ako sa kwento ni donna.
Don: yung daddy ko ang unang nagbigay sa akin ng flowers ng Valentine's day. kasi sabi niya, gusto daw niya na siya yung unang guy na magbibigay sa akin ng flowers
Kaye: Awww. I wish meron din akong daddy.
Meh & Don: Awwwww.. *sabay yakap ng mahigpit*
Tapos, lahat na kami umiiyak. wala lang, nakakatawa.
Narinig ata ni manong yung iyakan namin kaya lumapit na naman siya. Tatlo o apat na beses ata siya lumapit sa table namin at nakikiusap na magsasarado na sila dahil 2am na. Kaya yun, umalis na kaming tatlo. Pero bitin eh. Lumipat lang kami ng ibang inuman. Kaunting lakad lang, nandun na kami. sa Cantina lang naman. bukas pa sila eh. kaya dun na lang.
Sumobra ang ingay naming tatlo. kahit na 3 lang kami, parang sampung tao yung nag-uusap, nagkkwentuhan at naghahalakhakan. hahaha. nagalit ata yung mga katabi namin. tapos kumakanta pa kami kahit wala sa tono at iniba yung mga salita. :-D
Hindi ko na alam kung paano kami nakauwi sa bahay nila donna. Pagkagising ko, sobrang sakit ng ulo ko at suka ako ng suka. Ang tagal ko na rin kasing hindi umiinom eh. ayan tuloy. pati si meh, suka rin ng suka. sukahan session nga yun eh. benta. buti na lang nalabas ko lahat. tapos yung damit ko puro suka.. kadiri! Buong suka pa talaga. parang hindi ko nginuya yung mga kinain ko at buo silang lumabas sa bibig ko. hahaha. Buti na lang walang litrato kasi sobrang kahihiyan yun. Tapos gusto namin ni meh kumain ng noodles, kasi sobrang sama talaga ng pakiramdam namin. e walang noodles. sinigang na lang daw tutal may sabaw. Grabe yun. sabaw. sabaw ang utak ko dun. natulog lang kami buong araw. :-D o diba, valentines na valentines wala ako sa bahay at nakikitulog sa ibang bahay.
Tapos galit pa ata sa akin si yen.. kasi may dinner date dapat kami ng Feb.14. Hindi ko kaya tumuloy kasi nga ang sama ng pakiramdam ko at pag umuwi ako sa bahay, malamang hindi na ako papayagan umalis kasi gabi na rin ako nakauwi.. Sorry na. babawi talaga ako. Napahaba ata ang kwento ko. Pasensya na.