Isang Ling-GO!
1. Nagsulat ako ngayon kasi Linggo at medyo nasa bahay ako pero may sakit ako (matinding sipon at mataas na lagnat). Sa wakas, bumigay ang katawan ko. minsan naiisip ko na daig ko pa ang mga may trabaho. kasi 7days ako wala sa bahay (dahil *quote* sa pag-aaral? *quote*) haha! yehes. oo naman. :) Naisip ko, kailangan ko na magseryoso. kanina nga bago ako gumising e kinundisyon ko pa ang sarili ko na papasok talaga ako. nakakaaliw kasi yung pinag-uusapan sa klasrum. masaya. tska, madami akong natutunan kahapon kahit na lumuluha yung ilong ko sa sipon (literal ito!) grabe, ayoko na ng sipon. e may allergic rhinitis pa naman ako. kaya konting usok lang na naaamoy ko, e ayun na.. sobrang sneeze (anong tagalog nito?) na. Haaaay. sinasabi ko na nga ba, hindi ako makakapasok ngayon kahit anong pilit ko sa mga lolo at lola ko. kaya ko naman pumasok pero ayaw nga nila. parang pahinga ko na rin daw ito tutal hindi naman ako lumiliban sa klase at pirstaym ko ito. Haha. bait ko ba? Hindi naman, nag-cucut naman ako kung boring (e pano kung boring palagi?) edi cut lang ng cut. Hindi, biro lang. Nagbibigay naman ako ng hustisya sa mga guro ko. Nakikinig at nagsusulat naman ako kung kinakailangan. pero pag nakatulog ako sa klase, pasensyahan na lang.
2. Pag nasa labas ako, lagi akong inaantok. pero pag oras na ng pag-tulog, hindi naman ako makatulog. kaya umiinom ako ng pampatulog. O, ayoko talagang gawin ito pero kailangan ko na.. si lolo kasi, kinukunsinti ako. Matulog daw ako. kaya siya pa mismo ang nagbibigay sa akin ng droga (grabe yun!) dein. Stilnox, pare. para siyang Valium na hindi mo rin pwedeng mabili agad-agad sa tindahan ng gamot. kailangan din ng prescription tska dapat kalahati lang ang iinomin. Hindi ko maintindihan, bakit ba hirap na hirap na naman ako matulog ngayon? insomniac na naman ako. nakakainis. badtrip. alam mo yun, gustong gusto mo na pero hindi ka naman makatulog.
3. Mahirap din pala umuwi sa isang bahay na hindi mo naman talaga bahay. ika nga nila.. "Home is where the heart is". Ngayon naiintindihan ko na kung bakit kahit alas-tres ng madaling araw e gusto kong umuwi sa bahay namin kahit na ang layo layo layo talaga ng lugar kung saan ako nakatira! :)
Ok, walang kwenta.