Bus rides
im enjoying bus rides. i hate riding MRT/LRT kasi. oo, within 15 minutes, nandun ka na sa place a gusto mong puntahan. but i actually hate it because number one- hindi ako makaupo kahit na sobrang exhausted ako. number two- ang haba ng pila at mainit. number three-ang layo ng nilalakad from the station at sa kung saan mang stop over. namiss ko tuloy ang shang bigla. paaaaaaam!
anyways, last week, habang naglalakad ako sa labas ng glorietta (papunta pa lang ako, actually) may lumapit sa akin na babae. mga 5'1 ang height, around 40 yung age, okay naman siya.. MA-PR. magaling siya magsalita and mambola kung tutuusin.
edi syempre, she asked for my name first tas nagtaka ko, bakit naman niya tatanungin name ko.. right? i don't even know her. i thought she's a friend of my tita kasi okay naman siya manamit and maayos naman talaga, in fairness to her. so i started asking myself: bakit naman ako lalapitan nito?
ayun, sabi ko na nga ba, may intensyon tong taong to sa akin. nanghihingi ng money kasi na-slash daw yung bag niya sa bus. so, i asked her kung saan siya nakatira. sa bulacan daw. tapos she's working in PGH. tapos napadpad daw siya dun dahil kinuha niya yung visa niya. okaaaaaay. so, kailangan niya daw umuwi.. in short, kailangan niya ng pamasahe. 80 pesos to be exact.
naawa naman ako kasi pano kung sa akin nangyari dun, diba? edi sige..
kaya lang, nung pagtingin ko sa wallet ko, wala pala akong barya so sabi ko sa kanya, papa-change muna ako ng money. tapos, sumama siya sakin sa pagpapalit ng money. sabi pa nya, nahihiya daw siya blaaaaahblaaahblah. she even asked me na patago ko lang daw iabot sa kanya kasi daw baka may makakita e sobrang nahihiya nga siya. tapos tinatanong pa niya kung anong favorite cake ko. para daw makabayad naman siya sakin. wtf. basta, puro ka-bolahan. pupuntahan daw niya ko.. blaaaah.
so when i gave her a hundred (80 pesos lang, remember?) sabi niya 180 daw pamasahe. parang natulala ako na ewan. kasi usapan namin, eighty pesos lang tapos ngayon one hundred eighty pesos. hindi naman ganun kalaki yung money pero ano baaaaaaa ..diba? nakakaasar pero wala naman akong magawa coz im alone and hindi ako magaling magsinungaling. bahala na lang siya.
twice na nangyari sa akin to. yung first, sa cubao. what do you expect? e madami talagang manloloko doon. ganun din, nasa mid-40s na siguro yung girl tas sa fairview nakatira. eto yung sobrang nakakaasar kasi talagang sinundan niya ako. waaaaah. tas while walking plus the fact na kinakausap na niya ako, may tumawag sa name niya. friend daw niya. so, "sige miss, thank you na lang.." edi parang nakahinga na ako ng maluwag when all of a sudden, sumunod na naman siya sa escalator. punyeta. tas sabi niya "ah..eh..wala daw kasing pera yung kaibigan ko eh" putang ina. ano baaa.
haaaay. bahala na sila, sana nakatulong yung 180 and 50 pesos ko. whatever.
Ganito na ba kahirap ang Pilipinas ngayon?