Nasaan na kayo?
bakit ganun? parang nag-iba na ang ihip ng hangin. wala, heto na naman ako.. pakiramdam ko`y iniwan na naman. kahit sabihan niyo akong madrama, ok lang. wala akong pakialam. nais ko lang malaman ninyo kung gaano ko kayo ka-miss.
una- ang barkada ko. Miss na miss ko na kayong lahat. yung tayo lang. inuman. bilyar. tawanan. tomas morato. timog. e.rodriguez. kainan. kape. bastusan. babuyan. pa-cornihan. tambay kahit saan. tambay sa bahay nila yen. sa condo nila pam. sa shang. hapi house. pag sabado night. yung stupid jokes ni papsy. ka-inosentehan ni pam. ka-vainan at kagandahan ni yen. ka-boyeltan nila nadz, net and mary. kaliitan ni jerlyn at si nell. basta, lahat.
nitong mga nakaraang linggo, wala na akong nakakasama sa inyo. lahat may sarili ng mundo, busy masyado sa eskwela at para bang ayaw magparamdam ng mga ka-toto ko. kundi ko lang kaklase si boybastos, siguro hindi ko na rin siya makakasama. si nell naman, kahit ka-sched ko bihira lang din kami magkita. si jerlyn, tuwing sabado ko lang nakikita pero hindi naman kami nagkakasama. Miss ko lang talaga yung dati. HAAAAY. nakakatawang isipin.. ganito ba talaga ako magsentimyento pag may gusto akong makita at makasama?