Ang Musika ng Gabi
shit. walang ilaw ng dalawang araw? impossible. parang imposibleng mabuhay ng ganito. pero sa awa ng diyos, buhay pa.
hindi ako nag-yehey dahil walang pasok. hindi ako masaya ng walang pasok. sa katunayan, mas gusto ko ang umaalis sa bahay. wala kasing magawa kundi magbasa ng libro o humarap sa kompyuter. pero shet, anong magagawa ng isang tao kung walang elektrisidad? puta, ang boring pare. ikkwento ko sayo kung gaano ka-boring ang mahinto sa bahay ng malakas ang hangin at ulan (tila nagsanib pwersa pa sila para mamninsala!) badtrip yun.
kabila`t kanan na naman ang balita. pero wala akong balita sa pinas ngayon kasi nga, wala ngang telebisyon. diba? shiiit. parang nasa ibang dimensyon ako pag ganito. hindi ko naman madaan sa tulog dahil ang ingay ng mga nagliliparang mga bubong. low class talaga. pakiramdam ko nga`y liliparin ang bahay namin. patawad pagkat mahirap lang kami.
wala na ata akong ginawa kundi magbasa ng libro. inumpisahan ko ng alas diyes ng umaga at natapos ng alas tres. sa katunayan, nakatapos ako ng dalawang libro sa isang araw lamang. pero inantok din ako bago ko man matapos ang ikalawang libro. haaaay. wala talagang magawa.
kawawa naman ang mga tao o bahay o lugar na nasalanta ng pesteng bagyo na to. umalis ka na please.. okai lang kahit may pasok kami o kahit may duty.. basta walang umiiyak dahil sa dulot mo.
mga alas kwatro ng hapon, ewan ko ba kung bakit badtrip talaga ako.. sa katunayan, kahapon pa lang ay batrip na ako. ewan. tapos, nataasan ko ata ng boses ang lola ko kasi may tinatanong siya. e matanda na yun kaya makulit. kaya heto, WAR kami ngayon. hmmm.. lagi naman siyang galit sa akin eh. inaway niya ko. haha. pero siyempre, respeto pa rin kaya hindi naman ako sumasagot. alam mo na, pag walang magawa ay inaaway niya ko. haha. para akong nagsusumbong na bata.
eto na, gabi na. ang pinaka BADTRIP sa lahat. kasi walang ilaw. bawal kandila. walang flashlight. walang pamaypay. wala na lahat. parang binura sa mapa ang maynila sa kadiliman.
Ang tahimik.. para bang nagluluksa ang buong Luzon sa kalaliman ng gabi.
sa wakas, salamat sa Meralco may ilaw tayong maituturing.