Tuesday, August 08, 2006 |

PAGSILIP SA NAKARAAN.

kailangan ko ba ito ikwento? ano sa tingin mo?

mayroon akong kaibigan. marami siyang alam. ibang bagay na marahil hindi natin nakikita pero sigurado akong nararamdaman. wirdo ito, alam ko. pero wala akong pakialam kung maniniwala ka o hindi. dahil ako mismo ay nahihirapang umunawa. pero kung nakita mo ang reaksyon sa aking mukha, baka ika`y maniwala.

ganito kasi iyan..

isang araw, kasama ko ang isang malapit na kaibigan. kumain kami. masarap naman. nakakabusog pero may ibang lasa pa ding pilit na hinahanap ng mga bibig namin. ah, ewan. nakikinig lang ako sa mga kwento niya.. masaya dahil ang dami naming napag-usapan. Yung tipong kahit hindi naman ka-kwento kwento ay pinagkkwentuhan pa namin. Pati yung mga nakaka-asar, mga namimis namin, pamilya, kaibigan at mawawala ba ang buhay pag-ibig? syempre naman hindi. importanteng sangkap yan ng kwento. Haaay.. mga babae nga naman talaga, ang bababaw at madadaldal pag kasama ang kapwa babae.

nagtatawanan kami.. ng biglang.. tinanong niya kung naging masaya daw ba yung kabataan ko. Mmmm. seryoso siya. pero mas seryoso akong sumagot na `Ha?!`. e pano ba naman, sa gitna ng tawanan bigla siyang nagseryoso ng hindi ko alam. pero dahil tinanong niya ko ng maayos, sinagot ko naman siya ng maayos.. umiling ako. sa totoo lang, hindi ako sigurado sa binitiwan kong salita. Pero matapos ako umiling, nasabi ko na lang na ..`hmmmm.. okay lang, Medyo.` Tss. Alam ko may halong ka-plastikan ang sagot ko. pero wala akong maisip na tama ng mga panahong iyon.

Sinabi ko sa kanya na Oo, masaya ang kabataan ko.. kahit taliwas naman. aaminin ko dito ang tunay kong nararamdaman dahil gusto ko lang malaman ninyo ang aking tunay na saloobin. Madami akong karanasan noong kabataan ko., nangunguna na ang mga kapitbahay ko na kalaro ko sa pang-araw-araw kahit na nagagalit ang lola ko dahil sobrang itim ko na madalas ako madapa at magkasugat. Oo, masaya sana. pero ewan ko nga ba, mahina lang talaga ko. mabagal tumakbo, laging natataya, sakitin, hindi listo, at kung anu-ano pa.. sa madaling salita, lampayatot ako. kaya naman, madalas hindi ako makasali sa mga laro nilang nakakaaliw. tss. nakakatawang isipin na sinusulat ko ito ngayon na para bang wala akong pakialam sa kahapon.

mabalik tayo sa kwento ko kanina., Hindi ko alam na pumapasok na pala sa kaluluwa ko ang kaibigang kausap ko lamang kanina. natural lang na kilabutan ka habang binabasa ito, dahil ako mismo`y hindi nakatulog ng tatlong araw kakaisip nito. hindi ka maniniwala pero yung tinanong niya sa akin kanina na `Naging masaya ba ako sa kabataan` ko ay may koneksyon sa aking istorya. hindi ko ito ginawa para lamang may maisulat. gusto ko lang mabasa ninyo dahil talaga namang nakaka-mangha ang kanyang kakayahan at ngayon ay unti-unti ko nang naidudugtong ang mga pangyayari.

ayoko ng pahabain pa ito, Yung kaibigan na tinutukoy ko ay isang mind/soul reader na may third eye(pasensya, nasira ang pagtatagalog ko). aliw ba? ayun nga, sinabi niya sa akin kung ano ako noong unang panahon (past life). naging interisado naman ako agad kahit na alam kong nakakatakot paniwalaan. ang sabi niya eto/ganito daw ako dati:

>Hindi daw ako naging masaya nung kabataan ko dahil may malubhang sakit ako. hindi ko na alam kung anong epidemya ang dumapo sa akin pero ang alam ko, nakaratay lang ako sa isang malaking higaan at nakaputing damit. Renaissance period daw noong panahon na iyon (napatunayan niya dahil ang suot ko raw na damit ay mala-Juliet sa Romeo and Juliet) at malungkot na napaka dilim sa kwarto. malaki ang bahay at mayaman daw ako. hindi daw ako pinay.. latina daw ako. Malungkot ako hindi dahil sa malubha ako kundi dahil walang dumadalaw sa akin ni isang kapamilya ko. kung hindi dahil sa isang asong nagmamasid sa akin at laging nasa tabi ko, masasabi niyang ako`y nag-iisa sa aking pakikipaglaban. mabait ang asong ito at hindi niya ko iniiwan. at may lagi daw na dumadalaw sa akin na batang lalaki.. siya daw ang may-ari sa aso at siya lang din ang katangi tanging tao na nag-aalaga sa akin. mahal na mahal daw ako ng batang ito.

nakikinig lang ako sa kanya.. pero nung sambitin niya na may nagbabantay sa akin na batang lalaki, tumulo ang luha ko ng hindi ko alam.

hindi niya kasi alam na may kapatid ako na batang lalaki na mahilig sa aso.

Isa lang ang sigurado ako: may koneksyon ang dati kong buhay sa buhay ko ngayon. at madami pa akong gustong malaman.