Wednesday, June 21, 2006 |

SANA.

..may pakpak ako. syempre, para makakalipad para mas madali kasi wala namang traffic sa langit diba? tapos pwede pa akong makipag-kaibigan sa mga ibon sa himpapawid. lilipad ako sa pinakamalayoooo. pupunta ako doon kung saan ko man gusto. para naman maranasan ko ang maging HIGH. maliligo ako sa ulan tapos sasabihin ko kay God ihinto na niya yung kidlat kasi takot ako dun. kung darating na ang gabi, hahawakan ko ang mga bituin sa langit :)). maglalakad at matutulog ako sa buwan tapos may kumot pa akong dala. at sa huli, baka sakaling makapag-slide pa ako sa bahaghari tapos mahahanap ko yung hidden treasure daw sa dulo.

..marunong ako magalit. kasi, wala pa ata akong nakakagalit. ewan. ayoko kasi ng pakiramdam ng may kagalit. parang ang bigat daw ata. kadalasan, sumosobra na ang mga tao yung tila pinagsasamantalahan na ang kabaitan mo (o, wag mag-react).

..meron akong pride. kahit konti man lang. pero lintek, wala akong pride. fried chicken. waha! yinuyurakan na ang pagkatao mo, wala pa rin. mahinang klase.

..madami akong panahon para magsulat. saaana. gusto kong magsulat ng magsulat hanggat mapudpod ang mga daliri ko at sumuko ang kompyuter at maubos ang papel. alam naman ng ibang tao kung gaano ako ka-adik magsulat. ano nga ba ang nakukuha ko dito? ewan. syempre, nailalabas ko ang sama ng loob ko, mga hinanakit, paglalakbay, kasiyahan at kalungkutan. masaya magsulat.. subukan mo.

..mailathala ko ang mga sinusulat ko. punyemas. hindi ako writer. gusto ko lang sana ma-ipublish pero syempre..hindi ako magpapakilala. asa!

..maging photographer ako. balang-araw matutupad din to, alam ko. SANA. sabi ko kasi sa nanay ko, pagkatapos ko ng kolehiyo kukuha ako ng kursong photography. nahuhumaling kasi ako sa paligid ngayon (kahit wala naman daw maganda!) pero meron kaya. hindi lang kasi nila nakikita ang kagandahan ng isang bagay.

..marunong ako mag-drawing. naku. isa sa mga frustrations ko to. pero wala eh, hindi ako pinanganak ng may talento sa pag-guhit. pero na-aapreciate ko naman yung mga gawa ng mga artists.

..maging doktor ako, punyemas. madami talaga akong pangarap.. ewan ko ba. libre naman mangarap diba? gusto maging pediatrician (matagal na ko na itong gusto pero ewan ko kung matutupad pa) e yung kurso ko nga mahirap na paano pa kaya kung proper na. haaay. mahal ko kasi ang mga bata. at naawa ako sa kanila pag nakakakita ako sa mga ospital na batang may sakit o tinutirukan ng karayom. nakakaiyak. mababaw kasi luha ko pag dating sa mga ganung bata.

..maging psychologist ako. kung hindi ako nagkakamali, second choice ko ata before ang psychology, tapos ngayon sobrang nagkakaron ako ng interes sa mga taong may sayad. haha! gusto ko malaman kung bakit ganun ang mga behavior nila at kung may magagawa pa ba ko para maibalik sila sa normal.

..maging payat. as in payat. closer sa pagiging skinny. pero wag na lang. para san pa? diba? e mahal ko na ang katawan ko.. at yung mga taong nagsasabi na sexy ako, punyemas.. ewan ko kung anong meaning ng sexy para sa kanila.

..luminaw ang paningin ko. waaah. para sa inyong impormasyon, 250-250 ang grado ng mata ko.. idagdag mo pa ang astigmatism. hindi ko rin alam kung bakit sobrang naging ganito ang mga mata ko. inaabuso ko ata masyado! alam nyo ba na hindi ko kayang mabuhay ng wala ang contacts or salamin ko. kasi pag wala sila, wala na akong makita. kaya yumuyuko na lang ako minsan.. :)) or yung mga taong tumatawag sa akin sa malayo, hindi ko talag sila makita. waaah! sana may pag-asa pa maging 20-20 yung vision ko.

..may supermegapowers ako. tulad ni jean sa xmen. wala lang.. para whoa! amazing!

..mayaman ako. una, para tulungan ang mga mahihirap (alam kong hindi kayo maniniwala.. pero totoo yan!) pangalawa, para ibigay sa lolo ko kasi gusto ko siyang bigyan ng madaming madaming salapi.. wala lang. gagawin niyang pamaypay. haha! pangatlo, para makuha ko lahat ng materyal na bagay na gusto ko. o relaaaak.. hindi ako mukhang pera, pero gusto ko lang magka-pera para makapag-invest ako ng kung ano-ano tapos papatayo ako ng negosyo at papalakihin ko. OMG!

..magkaron ako ng madaming oras para sa pamilya ko, sa barkada ko, sa mga kaibigan ko at sa kahit sino. labo!

..dumating na siya. medyo matagal na rin akong naghihintay pero wala pa rin. ano na? kelan na? nasaan ka na? gusto ko lang naman maging masaya.. masama ba yun?