Saturday, May 27, 2006 |

IBA NA NGA BA TAYO?

Ang tinutukoy ko ay ang kabataang pinoy. ano, iba na nga ba ang ihip ng panahon? ang utak ng mga kabataan sa ngayon? ano na? nasaan na tayo?

saan nga ba? eto, pokus ng atensyon ng mga nakatatanda. pinag-iinitan. pinag-sasamantalahan. pinag-chichismisan. pinagtatawanan. puro na lang tayo. bakit hindi naman sila minsan? bakit kaya tayo ang lagi nilang pinag-uusapan? ..kasi iba na daw tayo ngayon. MAPUSOK. totoo ba?

marami na akong kakilala na sa murang edad any may anak na. huminto sa pag-aaral, napariwara dahil itinakwil ng magulang, nangungutang dahil walang pambili ng gatas ng sanggol, nangdedelihensya dahil gustong ipalaglag ang bata, nagpapa-suso, kumakayod para sa pamilyang ginawa nila at marami pang iba. kasi naman, ang aga kasi nilang maglandi. (pasensya na sa mga matatamaan..) sa ilang minutong paraiso, habangbuhay na impyerno ang dadanasin. ewan ko ba. hindi kasi nag-iisip. sana ginawa niyo yan ng may pag-iingat ng hindi nabubuo ang bata sa sinapupunan. para saan pa ang condom at mga kung anu-anong inimbento ng siyensya? edi para may masabi lang na may pangontra. pero sa totoo, hindi naman talaga nagagamit.

yan nga, lumalabas ang katigasan ng ulo nating mga pinoy. simpleng instruksyon hindi pa maintindihan. ano ba? isipin naman natin ang mga magiging epekto ng mga ginagawa natin. sa susunod, mag-isip tayo.. ha? para walang gusot na dapat lusutan. at huwag naman sana puro eksperimento. mahirap na.

nakakatawa. para akong matanda kung magsalita. wala lang, naisip ko lang na gumawa na tama ngayong araw na ito. at sa palagay ko, maraming magagalit sa akin na ka-edad ko pag nabasa nila ang mga pinagsususulat ko dito. gusto ko lang marinig nila ang pananaw ko tungkol sa mga ganitong bagay. masarap magsulat lalu na kung totoo.

sa dami ng mga mapupuna ko sa mga kabataan sa ngayon, isa pa lang yan. kung ilalagay ko dito lahat., magmumukha naman kaming makasalanan. o diba, parang inaamin ko na may kasalanan din ako. malamang, lahat naman tayo meron.

pangalawa, masyadong nagiging curious ang kabataan sa ngayon. nariyan na ang yosi, drugs, marijuana, shabu, alak.. etc. lahat na ng nakaka-adik pinasukan na nila. para ano? para maging `COOOOOOL`. at masabi nilang Coool ako pare. ano? natamaan ka? kasi hindi ka in pag hindi ka nakisali sa mga sessions ng tropa? patapon ka dahil hindi ka kabilang sa kanila. tae ka dahil hindi ka sunod sa uso. mahinang klase ka dahil takot ka. ..ano? ganun ba yun? o gusto mong maramdaman kung bakit sila masyadong adik sa mga ganitong bagay. hindi niyo ba alam na nakakamatay ang pagiging curious sa mga bagay.. okay lang naman na subukan. lahat naman tayo sumubok. lahat tayo naging masama kahit sa unang pagkakataon. pero ang pangit doon ay yung tipong nalululong ka sa mga pinagbabawal ng lipunan. sa madaling salita, unti-unti kang kinakain ng mga nasbukan mo. at sa huli, ayan.. adik ka na.

hindi ako nagmamalinis na hindi ko nasubukan ang mga ganyang bagay. oo, nasubukan ko na magyosi. sino ba namang hindi? ..diba? 2nd year highschool yung una.. pero hindi ko nagustuhan dahil ayaw ko ng lasa, ng usok, ng epekto.. at kung anu-ano pa. sabi nila masarap daw.. nyeeee! sagwa ng lasa..sobra! so, anong kinasarap nun? tapos nakaka-ubo pa. tignan mo nga, nakakagago. hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung anong meron sa yosi at patuloy pa rin nilang inuubos ang pera at inaaksaya ang segundong nalalabi dito sa mundo.. anong satisfaction ang nakukuha nila doon? wala naman diba? ahh.. baka gusto nilang ma-ospital. magkaron ng TB. Lung Cancer. sakit sa kung saan saang parte ng katawan.. lahat lahat na. alam ba ninyo na sa almost lahat ng sakit ay laging nangunguna ang yosi sa mga dahilan kung paano ka nagkakaroon ng ganito at ganyang sakit. greatest enemy ko yang yosi.. dahil sa kanya, may habangbuhay na sakit ang lolo ko. at sa mga taong inaakalang nagyoyosi ako, hell noooooo. hindi talaga. mabait akong bata at para sa iyong impormasyon, sinusumpa ko siya. mamatay ka na yosi!

dumako naman tayo sa alak. aminado ako, umiinom ako. nalalasing. pero hindi naman yung pariwara sa alak. tamang inom lang. kung tutuusin, mas tanggap pa nga ng gobyerno ang alak kesa sa sigarilyo. e tama naman. though dapat tama lang. wag sosobra. kasi naman, ang mga teenagers ngayon, inom dito, inom doon. lasing dito, lasing doon. kaya naman pagkatapos malasing, hindi na alam ang nangyari kinabukasan.. yung tipong nagalaw pala siya ng hindi niya alam dahil sa sobrang kalasingan. yun lang naman ang iniiwasan ng mga nakatatanda.. okai lang sana uminom kung kilala mo ang mga ka-inuman mo. at nakasisiguro ka bang nasa tamang pag-iisip yang mga yan? e pag nakainom kasi ang tao, nag-iiba na ang takbo ng utak. nag-iinit ang katawan. kaya ayun.. ang milagrong iniiwasan ay nangyayari.

madami pa sana akong nais isulat.. nakakapagod lang lalu na`t para kong kinokotra ang panahon namin.

OO nga.. iba na kami ngayon.