im glad she`s sunny today.
i see things they`ll never see. that was very catchy. i`ve been bugging you for a week already. i know that something`s gotta be wrong. putting a smile on your face might be one of the few things which can hide all your sufferings. but if you look closer behind that black long lashes, you could see a portrait of a sad little girl.
i know this sounds very unfamiliar with sme of the people we know.
ngayon, unti-unti kong naiintindihan ang mga salitang nais ibatid ng iyong mga mata. marahil nilikha ka upang manahimik at makinig sa mga huni ng ibon sa himpapawid. panahon na naman ng pamumulot ng mga tuyong talulot ng dahon. minsan hindi rin naman masamang maglihim. pero hindi rin naman nararapat na ikimkim lahat ng puso mo ang mga gusto mong masabi. naiintindihan kita dahil may pagkakapareho din tayo ng ugali. naiintindihan kita dahil mahal kita. hindi mo kailangang itago dahil nararamdaman ko na mayroon kang kalungkutan sa loob.
pasensya kung pinilit kitang magsalita. gusto ko lang marinig ang boses mo kung minsan. alam kong kulang pa at hindi pa sapat ang mga nabitiwan ng mga bibig mo na tinanggap naman ng tainga ko. pero wag kang mag-alala, nirerespeto ko ang katahimikan mo. ang pagsasarili mo sa mga problema mo.
kilala na nga ba kita? sasang-ayon ako dahil OO, kilala na nga kita. tindig pa lang, alam kong ikaw na iyon. patawad kung binigyan ko ng kahulugan ang mga nakikita ko at nakapag-isip ako ng taliwas sa iyong ninais. tao lang ako, hindi ko mapigilan ang hindi mag-isip. oo, tumatawa at ngumingiti ka sa mga patutsadang biroko o ng ibang tao. pero hindi eh, iba. iba ang mga ngiti at halakhak na lumalabas sa iyong mga bibig. peke kung maihahalintulad.
salamat at napag-usapan natin iyon kagabi. nandito kaming mga kaibigan mo para sayo. marahil masyado kong binibigyan ng kahulugan itong binabasa mo.. muli, pasensya sa kapirasong sulat na ito na siyang aking nailathala.
hinihintay ko na lamang ang paghahabi ng mga salitang nais kong lagyan ng istorya.
sabi ko naman sa iyo, tumingala ka lang.. at doon, mahahanap mo ako.