I PROMISE NOT TO DRINK RED HORSE ANYMORE. I PRRRROMISE.. I SWEAR. PEKSMAN.
ayoko na:
-uminom ng alak.
-malasing.
at higit sa lahat, ayoko na: maging wasted tulad ng nangyari sa akin ngayon. sobrang nalasing ako kanina (3am?) hah.
ganito kasi yan, may swimming blahblah kasi kami ng mga friends ko sa bahay ni sep sa north susana (commonwealth). madami kami. teka, iisa-isahin ko: ako, je, nell, paul, angelo, sep, franco, regil, kyzzer, jeff, cla, karen, ktel, al, glenn, abby, cam, roy,. madami na rin kung tutuusin.
usapan namin, 6pm. e alam mo naman, late comer talaga ko eversince tapos sa bahay, nagising ako ng 5:48pm. linchak. 12 minutes to go. e hindi pa ko naliligo at nag-aayos ng gamit. ang kapal ko talaga. pinaghintay ko sila sa meeting place. finally, sabi ko sa kanila, mauna na sila kasi kung hihintayin pa nila ko, 9 pa ako makakarating. ayoko sana bumyahe mag-isa kasi hindi pa ako nakakapunta kanila sep. e commonwealth pa. hah. pero no choice.
lagpas alas-nuebe na ng gabi, nakarating din ako sa north susana. sa wakas. tapos na sila magswimming. ang saya. okay lang, ayoko rin namang mag-swim. so nakipag kwentuhan ako sa kanila, humiga sa stairs habang nagsstar gazing. umingay ang mga lalaking naglalaro ng baraha, so nakisali naman ako sa 1..2..3.. pass. putcha, lalung umingay sa tili ko at sa tawa nila sa tili ko.
ayan, napagod ako. magbabasa sana ako ng libro pero madilim at baka magalit sila sa akin at sabihing kadarating ko na nga lang yan pa yung gagawin ko. so, back to kwentuhan. grabe, ang saya mag star gazing. ganda ng kalawakan. akala ko nga nasa alapaap na ko nun eh. haaaay.
tapos, kumain na kami. late dinner. grabe, gutom na ko, sobra! kaya naman todo mega eat ako. tapos inihaw na tilapia, calamares and porkchop yung ulam. waaah. ulo ng pish ay masarap. ohmygod! ang sarap. kaya bumondat kami lahat. tapos humiga sa couch habang nagkkwentuhan. masaya. umuwi na si kyzzer and jeff. sinamahan ni jeff si kyz. kasi baka daw magalaw sa daan. the best. e alas dose na ata nun. nagpaturo ako kay paul ng in-between and tong-its. madali lang pala. pero nakakaadik.
dumating na si sep and franco. sila yung bumili ng mga mamam. black label daw oh? putakte. buti na lang may red horse. hay naku. akala ata ni franco lalaki ako.. kasi sa mga kalalakihan, puno yung baso. sa mga babae, lagpas one fourth na baso lang. lugi ako. e ako naman, tanga.. hindi marunong humindi sa tanggero. una, ganado pa kasabay ng mga baraha namin. ang kapal ko, first time ko matuto tapos nakikipag pustahan na ako sa kanila. ang ingay namin kasi masaya. nakakatawa kasi wala akong nilabas na pera, nangutang lang ako kay sep ng piso tapos naging 23 pesos na. waha. tawa lang kami ng tawa. napapansin ko, umiingay na kami.. may tama na. naalala ko pa nga na may sinalo pa akong tagay. tagay ng katabi ko. sabi nila, malakas daw ako uminom. tapos, habang nagkakasayahan sa baraha, unti-unting nawawala ang mga tao sa paligid ko. mga nakahiga na sa couch. unti-unti ng nandidilim ang paningin ko. yumuko ako. sumuko ako. sumuka ako. gusto ko pa sana mag-stay pero hindi ko na kaya. nakita ko na lang ang sarili ko kasama ang isa sa mga tunay kong kaibigan.. si je. sinamahan niya ako sumuka. nilinis niya ang mga kalat ko. tinago niya ang retainers ko sa pangambang malusot ulit ito sa toilet bowl. nasukahan ko pa siya. tapos nadulas siya sa akin kasi, bangenge na rin siya. salamat kaibigan.
dinala nila ako sa couch upang makapag-pahinga. naidlip ako ng sandali. sumuka na naman ako. haaay. suka lang ng suka. nung madaling araw na iyon, naging bestfriend ko ang toilet bowl, plastic bag and tissue.
nakakahiya, naging pabigat pa ako sa kanila. nakakahiya talaga yung nangyari. wag na sana maulit. madaming beses na akong nalalasing. pero iba yung feeling ko ngayon. ang bigat ng pakiramdam. tsktsk. kasi hindi na praktisado. noong isang taon pa ata yung huling inom ko. nabigla yung tiyan ko. grabe naman.
pagkagising ko, tatlo lang kaming nasa couch kasi nasa kwarto sila ni sep. binantayan nila ako the whole session. grabe. ang bait nila kahit na sa upuan lang natulog yung iba. salamat sa inyo. pero iba pa rin ang pakiramdam ko.. gusto ko sumuka na naman. nagugutom ako. ang sakit ng ulo ko. ano baaaa. muli, lumapit ako sa kaibigang toilet bowl, minahal ko siya ngayong araw na ito. salamat at lagi kang naka-semento diyan. nawa`y wag kang umalis. hintayin mo ang pagbabalik ko.
breakfast na, naka dalawang subo lang ako ng kanin at itlog. nasusuka pa rin kasi ako. tapos, naligo ako para mawala sakali itong nararamdaman ko. humingi akong candy. natulog muli ako. ala-una na, uuwi na kami. ang init ng araw. mygawd! lalung sumakit ang ulo ko.
hinatid ako nila je, paul and al sa bahay namin. kumain kami ng lunch. kinulit sila ng tito ko. umuwi na sila. natulog ako. nagising ako at heto, nagsusulat na naman.
diyan natatapos ang kalbaryo ko.
napagtanto ko: hindi na ako marunong uminom. ayoko na.