mabuti naman akong bata, diba?
ive been busy these past few days. nyah. busy with nothing. kakaisip. tapos kanina, nag-away pa kami ng lola ko. ewan ko ba. ang labo. lagi na lang siyang galit sa akin. naghihimutok sa galit.
una, kasalanan ko ba kung tahimik ako at ayaw kong magsalita kung minsan? ano bang gusto niyang marinig? yung nasa loob ko? na galit ako? gusto niya ba ng reaksyon ko? ewan ko na lang kung anong gagawin niya kung sakaling mabasa niya ito. basta. pasalamat nga siya at hindi ko na lang siya sinasagot. baka kung ano pang masabi ko. e alam naman naming lahat na sobrang may pagaka sensitibo siya. kaya heto`t minamabuti ko na lang manahimik. nakakapagod kasi magsalita kung minsan. kaya kadalasan ay kamay ko na lang ang nagpaparating kung ano mang gustong marinig ng ibang tao. hindi ako galit sa lola ko. ang akin lang e sana maintindihan niya ko. sobra na kasi siyang nagiging strikto sa akin. e ayaw ko pa naman ng sinasakal ako. basta, alam kong hindi niya ako naiintindihan. masyado kasi siyang perekto. siguro, matapos kong ilathala itong nasa loob ko, magiging masaya na ako. makakahinga na ako ng maluwag. matagal ko na rin kasi itong tinatago. salamat at nariyan ka aking kaibigan.
ikalawa, marahil kasalanan nga ang pagsuway sa mga utos. inaamin ko, marami akong mga maling nagawa. pero hindi naman sana umaabot sa punto na pagsabihan ako ng blacksheep. demonyo. salbahe. maldita. suwail na apo. blahblah.. marahil madalas mong marinig yang mga katagang iyan sa palabas. parang wala lang, diba? pero sa totoong buhay, nakakaiyak. ang sakit tanggapin na binitawan ka ng mga ganoong pananalita ng lola mo. maraming beses ko na siyang nakitang umiyak. siyempre, buong pamilya ko siya ang kakampihan.. wala naman akong magagawa dun. pero hindi ko rin kayang umiyak. ayoko. ayokong umiyak. walang makakapilit sa aking umiyak. kung tutuusin, nagtatago ako pag napupuno na ang mga mata ko ng luha. tila nagbabadya na itong tumulo, sabay pagpunta sa cr at doon ibuhos ang lahat sabay ligo para hindi halata. gusto kong makita nilang matatag ako at hindi umiiyak. ganun talaga ako. walang nakakaalam ng kahinaan ko kundi ang sarili ko.
natatandaan mo ba nung nagpaalam ako na mag-rerent kami ng apartment ng mga kabarkada ko para malapit sa school? hindi ka pumayag diba? okai lang sakin. pero alam mo ba na isa ka sa mga dahilan kung bakit gusto kong lumisan ng bahay? kasi naririndi na ako sa kaingayan mo. sa pag puna mo sa mga ginagawa ko. sa pagsermon sa akin. gusto kong ma-feel mo yung worth ko at ma-miss ako.
at huli, kasalanan ko ba kung paborito ako ng lolo ko? lagi na lang iyan ang dahilan niya. porket paborito ako. e ano namang koneksyon? di ko get. magagalit ka dahil paborito ako? dahil yung iba kong mga pinsan hindi naman ganun ang pagtrato ni lolo sa kanila? ayoko sa lahat yung kinukumpara kami ng pinsan ko. iba ako at iba sila. may kanya kanya kaming estado sa buhay. si trixie, achiever. si lovejoy, warfreak. ako? walang kwenta. tsss. labo. mahal ako ni lolo. mahal kaming magpipinsan ni lolo. alam namin yan. pero siguro, naiintindihan ako ng lolo ko sa ibang paraan. nagpapasalamat ako dahil meron akong lolo na nakakaintindi sa akin at sa mga ginagawa ko. nasasaktan ako dahil hindi mo ako maintindihan. parang kailangan ko pang ipaintindi sayo ang tunay kong nararamdaman. sinasabi mo na lagi akong pinagtatanggol ni lolo. oo nga. pero kung gugustuhin ko, kaya ko naman ipagtanggol ang sarili ko at labanan ang mga binitiwan mong salita. pero hindi ko pa rin maaalis sa isip ko na lola kita, nirerespeto kita, malaki ang utang na loob ko sayo dahil ikaw ang nag-aruga`t nagpalaki sa isang demonyong tulad ko, ikaw ang humubog sa akin, nagturo kung anong tama`t mali at hindi maaalis sa isip ko na mahal na mahal kita dahil tinuturing kitang isang ina.
oo na, makapal na ang mukha ko`t nakapagbitiw ako ng mga ganitong salita. hindi ko rin inaasahan ito. gusto ko lang naman sanang mailabas kung ano ang tunay kong nararamdaman. hindi pa rin magbabago ang pagrespeto ko sayo. mama jus, mahal kita.