Thursday, February 23, 2006 |

What`s next?

First stop: stampede in ultra.
Second: landslide in leyte.
Third: erruption of this `i-forgot the name` mountain. (i guess malapit na daw?)
Fourth: bumagsak na building in manila.
Fifth: drug pushers in taguig.
Sixth: crime..crime..crime..and endless crimes in our country.

hindi man ako palaging nanonood ng telebisyon at bihira man magbasa ng dyaryo, sinisiguro ko sayong hindi ako manhid para hindi malaman ang tumatakbo at nangyayari sa bayan natin.

takte! whats happening?! mukhang iniisa isa na tayo ni God. is this our karma? do you think we deserve this? hala!! ano na ang susunod?

nakakalungkot naman. nakakaawa ang mga tao.

lalu na ang mga inosenteng bata na natabunan ng putik sa ilalim ng lupa. tila pati ang mga pangarap nila`y naglaho na ng parang bula. sa tingin ko`y imposible na para sa mga pamilya nila ang magkaroon ng pag-asa na humihinga pa ang mga taong nailibing ng buhay.

paano kaya kung isa ako sa mga taong napabilang sa mga natabunan ng lupa? mabubuhay pa kaya ako? sa palagay mo? ..hindi ako mapalagay. walang pagkain, tubig, kuryente.. tila napunta ako sa bagong dimensyon nun. kung ako siguro yun, susubukan ko pang lumaban hangga`t kaya ko pero kung wala na talaga.. titigil na ko. linchak! paano ka ba naman mabubuhay ng walang pagkain at tubig? ..mga tanging bagay na pinagkukunan ng lakas para mabuhay.

ano ba yan? patuloy na nga ang mga trahedya sa bansa tapos hindi pa nagkakasundo ang mga tao.. rally doon, rally dito. itigil na muna natin yan. e kung nagdadasal na lang tayo imbis na gumawa tayo ingay at trapik diyan sa edsa. haay.. gumising nga kayo sa kamunduhang ginagalawan natin!

pinaparusahan ata tayo ng Panginoon.. pero alam ko naman na kaya pa rin natin ito. marahil tinatawag niya lang tayong lahat na magkaisa at dumiling sa kanya para sabihing nandiyan pa rin siya para sa ating lahat.

just keep this in mind: GOD did not create a stone that we cannot carry.