waah. isang tugon lamang po galing sa isang simpleng mamamayan na nagmamalasakit sa bayan. kung pwede lang, sana araw-araw laban ni pacquiao para nababawasan ang krimwn sa pilipinas..
FYI: nung lumaban si pacman, walang naging insidente ng krimen. okai, isa lang pero tungkol sa droga naman yun. kasi, nakatutok lahat ng tao sa mga tv screens nila para mapanuod ang laban nila ni morales.
tapos kanina ginising ako ng ingay ng telebisyon, madaming namatay sa 1st year anniversary sana ng wowowee. kawawa naman. puro pa mga matatandang babae yung mga napinsala at marami ding sugatan. nakakaawa talaga ang pilipinas dahil kay gloria. tignan mo, puro paghihirap na lang. balita ko, lunes pa lang madami ng tao doon.. naghihintay ng swerte., nga naman, baka manalo sila. pero anong nangyare? dumali tuloy ang buhay nila at nwala ng bigla ng parang bula ang mga panaginip na sana`y mabigyan sila ng pagkakataong yumaman at umangat sa buhay.
nakakalungkot pero ayan ang katotohanan, madaming naghihirap.. naisip ko tuloy.. ganun na nga ba talaga kahirap ang mga Pilipino ngayon?!
OO. ganun na nga
ang swerte ko pala at hindi ko na kinakailangang pumunta doon para makipagsiksikan at makipagtulakan. maswerte ako dahil kahit papaano ay kumakain pa kami ng tama at hindi man ako maluho, pwede ko rin namang bilhin kung ano man ang naisin ko. nakakapag-aral at nakakalabas naman kung minsan.
gusto kong kumilos para sa mga mamayan. wala akong magawa.. pero alam ko naman na may magagawa ako kung gugustuhin ko. sana`y tama na ang mga sinusulat ko dito pero alam ko na hindi ito sapat para madinig ang mga hinanaing ng mga tao.
kung madaming taong mayaman, doble nito ang mga mahihirap. nakakainis lang isipin na nakakaya pa ng mga opisyal mangibang bansa para lamang manuod sa laban ni pacquiao at pumusta ng milyones nila. putcha, kung binibigay niyo na lang yan sa mga mahihirap kaysa nagpapabango kayo ng mga salapi niyo edi hindi lang sana kayo ang masaya at nakakakain ng masasarap na putahe at sana`y may aasahan pa kayo na boboto sa inyo sa susunod na termino niyo. e puta, puro kayo kurakot. ano?! sapul?
akala ko`y matatalino kayo?! galing pa man din kayo sa mga magagandang pamantasan at unibersidad ngunit hindi niyo naman ginagamit ang mga utak niyo. nakakainis. nakakagigil.
naiwasan sana itong insidenteng ito.. kailangan pang may mamatay bago niyo imulat ang mag mata ninyo.
kung may kaya lang akong gawin.. GINAWA KO NA!