pagod ako.
pero tinatamad pa ko matulog.
susubukan ko kung kaya kong gumawa ng mga salitang may kutsilyo para tamaan ka. tinatawag na ako ng aking kama. nahihimbing na ang mga tao sa paligid ko pero ewan ko ba kung bakit nandito pa rin ako sa tapat mo. marahil gusto ko lang ng makakasama sa gabing mapanglaw. naghahanap ng taong didinig sa mga hinanaing ko. marahil ayoko lang mangulila at baka malunod ako sa aking sariling luha. buti na lang nilikha ang isang tulad mo.. nagpupuno sa lahat ng pagkukulang ng iba. muli na naman sisimulan ang paglalakbay ng mga daliri ko sa mga letrang iyong hinulma. isang compyuter, salamat, tapos na po ang palabas.
still not so quite.