the story of a girl.
gumising siya mula sa malalim na pagtulog sa kama. disi nuebe ayos siya. Hindi siya nasubaybayang lumaki ng nanay niya. Lumaki siya sa piling ng kanyang mapag-arugang lolo at lola. Paborito siya ni lolo. Bad shot siya kay lola. Idol niya si lolo. Mahal niya pareho.
Tulad ng isang puno, lumaki siya. madami siyang napagdaanan at marami ding nalusutan. maraming tanong sa buhay. Nagkaroon ng maraming kaibigan, nakisama, nag-aral mabuti, naging gago, nagpakagago, natuto, naaliw. nasaktan, nagpakatanga, nagisip, nanaginip, nagkamali, nadapa, bumangon, nangarap, umasa, natulala, nabigo, babangon, muling aasa, muling mabibigo pero tuloy pa rin.
Oo, malungkot.. pero ganyan ang tinatahak niyang buhay. Panibagong sapalaran na naman bukas o sa makalawa.
Para sa iba, simple lang siya, masarap kasama, malalapitan mo pag may problema. Matatawagan mo kahit alas tres ng madaling araw. Nakakatawa ang tawa. Bata, pero malawak siya mag-isip.. ni hindi mo na nanaiising malirip. Martir. Mapagmahal, mahal niya ang pamilya, ang barkada, mga kaibigan at ang taong napakahalaga sa kanya. Mahilig siya sa mga simpleng bagay na tanging ang mundo lamang ang may kakayahang ipaliwanag. Hindi siya minsan maintindihan ng iba. Hindi mo siya makikitang umiiyak.. sa kanya na lamang iyon dahil tinatago niya ang mga tunay niyang nararamdaman pero bakas naman sa kanyang mga mata ang pangungulila. Akala lang nila palagi siyang masaya.. akala nila parang walang problema.. pero iyon ang pinili niya, ang pagwawaksi sa mundo.
Madalas siyang pag-initan ng lola. Wala, pasok dito, labas doon. Minsan gusto na niya maiyak, pero wala naman iiiyak. Ubos na ang luha.. sadyang natuyo upang mapawi ang pagdurusa. Lagi na lang siyang hirap.. minsan, gusto na niyang magpakatiwakal.. pero nasa sariling utak pa naman siya para malaman na ito`y mga pagsubok lamang. At kayang lampasan kung magtitiwala ka lamang at mananalig sa Poong Maykapal.
Pinapanood niya minsan ang mga tao.. naglalakad, hindi naman alam kung saan pupunta o may paroroonan pa. mahilig siyang tumingala sa bughaw na kulay ng langit. Tinatanaw kung nasaan ang dulo ng pagsubok. Pero hayun, umulan at hindi pa rin nasagot ang kanyang tanong. Di bale, matatapos din yan tulad ng pagtila ng ulan. Ngunit hanggang kailan bubuhos ang ulan? Panibagong tanong niya sa sarili.
Lagi na lang bigo. Malas sa buhay pag-ibig. Naiiwan na siya ng panahon pero patuloy naman niya itong hinahabol. Nakikisakay sa agos ng buhay. Ayaw na niyang masaktan.. gusto na niyang maging masaya. Saklaw niya ang kahirapan sa mundo. Mahabang proseso, pero kaya niya yan at patuloy na kakayanin.
Sa takipsilim, siya`y humiling. Isang pagnanais na hindi pa dumarating. Ginugunita ang paglipas ng panahon. Sadyang napakaraming bagay na hindi niya maintindihan.
Ngunit bago ko wakasan ang kwentong ito, mayroon pa akong gustong idagdag:
Nasabi ko na ba na mayroon siyang mahal? Oo, tama.. may mahal siya. hindi niya masukat kung gaano. Basta ang alam niya, mahal niya higit pa sa akala niya.. at higit pa sa kaya ng akala niya.
Yan si kaye.. simple lang pero ginagawang kumplikado ng iba.