dumating ka na, naiinip na ako.
May sense nga ba ang paghihintay?
Ay, ako ba? Ewan.
Pansin ko lang, lagi na lang akong naghihintay. Naghihintay sa tren dahil masyadong madaming tao ang sumasakay (mahirap ata makipag-siksikan), naghihintay sa pagbabago. naghihintay sa nanay ko, naghihintay sa oras para tumakbo, naghihintay sa isang kaibigang nahuhuli sa usapan, naghihintay na unawain, naghihintay na matupad ang mga natatanging mithiin. naghihintay na pansinin at naghihintay mahalin.
Mahirap ba? Oo. Malamang. Kasi umaasa ka. Hindi naman masama maghintay.. basta`t alam mo kung kailan ka bibitaw. Dapat alam mo na may hangganan din ang paghihintay. Pag nasaktan ka na, tama na. Pag umiyak ka sa una, okay lang.. pero sa pagpatak ng luha mo sa pangalawa, katangahan na. Nakakapagod kasi.. maghihintay ka tapos hindi naman pala darating. Naghihintay ka lang sa wala. Para bang naghihintay kang mahulog ang mansanas sa puno ng kahel. Hindi kailanman naging madali iyon. Akala mo magiging masaya ka..pero sa kalaunan, hindi naman pala. Anong labas non? Isang sawi sa pag-ibig na akala mo`y para sayo na talaga.
Sabi ng isang kaibigan, `sige..hintayin mo lang., may mangyayari sa paghihintay mo. Maniwala ka. Malay mo, diba?` pumayag ako naman ako.
Sabi naman ng dalawa: `itigil mo yan, walang mangyayari sa paghihintay mo. Pinapaasa ka lang niyan.` tapos, umaasa ka naman. letche. Itigil na `tong kamunduhang kabaliwan na ito. tama na. Sobra na.
Umasa. Salitang nakakaasar at pumupukaw ng maraming puso. Ang mga lalake nga naman, ang hilig magpaasa.. that`s the problem with guys, they make you believe that they love you when they really don`t. tang-inang katotohanan yan. Akala kasi nila hindi mahirap para sa amin yun e. kayong mga lalake, mag-isip naman kayo, isipin niyo naman yung nararamdaman namin. kung hindi mo na talaga mahal ang isang tao, sabihin mo na ng deretsahan. Oo, masakit sa una. Pero mas masakit siguro kung patatagalin mo pa yung sakit na nararamdaman niya. hindi naman ata tamang paglaruan mo ang feelings niya. tao din yan, nasasaktan. Umaasa siyang makatagpo ng isang lalaki. isang totoong lalaki na magmamahal sa kanya. Wag naman sana siya habang buhay na umasa para sa taong hindi naman pala siya mahal.
Nasaan ako? heto ako ngayon.. umaasa. Minsan gusto ko na lang iumpog ang ulo ko sa pader para matauhan. Pero hindi naman sapat iyon para ika`y makalimutan. Sa puntong ito, mahina ako.
Mahal kita, alam mo yan.
Naghintay ako. pero hindi ka naman dumating. Unti unti mong pinupunit ang puso ko.
Naiisip mo pa kaya ako?
Sana lang, sagutin ako ng diyos kung kelan matatapos ang paghihintay ko.
ewan ko kung para kanino ito:
At naaalala ko ang isang awit na puno ng hinagpis,
Parang sugat na humahapdi, lalong tinitistis.
At naalala ko ang wala nang mahal ko
Na naparaan sa aking mundo,
Parang ulap na bumitin nang ilang saglit,
Saka nagpatuloy sa maraming lakad sa himpapawid
At, sa tingin ko, hindi na, hindi na babalik.