Let me know if dreams can come true.. ika nga ni yael yuzon ng spongecola. Sa mga salitang iyon, napaisip tuloy ako. Ewan ko kung bakit pero sadyang may laman ang salitang binitawan niya. Sa palagay mo?! Nagkakatotoo nga kaya ang mga panaginip?! ..pwedeng oo ngunit pwede rin namang hindi. Malabo. Wala pang katiyakan. Sa cosmos na ating tinatahak, araw araw tayong nahuhulog, nagiisip at nananaghinip.. minsan blangko ang laman pag tayo`y nahihimlay sa malambot nating kama yakap ang ating mga malalambot na unan. Pag tayo`y nananaghinip, parang kumakawala tayo sa ating sarili. Sariling kasiyahan at sariling kalungkutan. Walang problemang iniisip. Hinahayaan muna natin ang mundong ito na magulo pero pag nararatay tayo`y parang wala na..ikaw lang. Walang pakialam sa nangyayari sa mundo. kung sa bagay, sandaling oras ka na lamang mahihimbing kaya isantabi na muna ang lahat ng iniisip. Minsan nama`y meron pang kanya kanyang istorya. Haaaah. Tulad ng palabas na `if only`..Nakakalungkot. Nakakaiyak, pero hindi pa rin tumulo ang aking mga luha. Marahil dahil nahulaan ko na ang wakas ng istorya o kaya nama`y Bato nga talaga ko pagdating sa mga ganoong klase ng palabas. Hindi mo masasabing de javu ang nangyare sa kwento dahil alam niya ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari o ng mga mangyayari pa sa hinaharap.
Nag-usap kami ni kuya sa telepono isang gabi. Ninais niya na sana matulog pero sadyang naglalaro pa ang aking isip sa mga bagay bagay at ayaw ko pang ilapag ang bagay na nagdudugtong sa aming dalawa. Hindi ko malirip ang gusto ko nung mga panahong yaon. Ayoko pang pakawalan. Ayaw. Kaya naglaro kami. Nag-isip. Mga bagay na sinsabing baduy ng mga taong walang magawa. Siguro kung ikaw rin ay mababaduyan. Oo na, e ano naman? gusto namin ng ganun eh. Tapos.. isip.. isip.. hanggang lumipad sa kalawakan. Lumiban at hindi ko mawari kung saan. Mga Imposibleng bagay na pwede naman mangyari. Mahihimlay.. mananaghinip kami ng sabay. At sana`y hindi sumablay.
Eto ang aking istorya. Hindi ko pa napapanaginipan pero umaasa ako na balang araw ay mangyayari ito.. hindi sa panaginip kundi sa totoong buhay. Oo na, patuloy na aasa. Naniniwala ako na isa sa mga araw ng paghimbing ko`y ito ang magiging laman.. ang tanging dala lamang namin ay ang aming mga sarili. napadpad kami sa isang lugar na pamilyar at tanging kaming dalawa lamang ang naroon. panonoorin naming lumubog ang masigabong araw na maghuhudyat na patapos na naman ang isang yugto sa aming buhay. Nakaupo lang kami habang pinagmamasdan ang paglipat ng araw sa gabi. Napaka gandang tanawin. Wala nang mas hihigit pa. Samantalang kami, walang ginagawa kundi tunawin ito sa pamamagitan ng pagtitig gamit ang aming mga mata. Naisip ko lang, Tama na siguro na katabi mo yung taong pinkamamahal mo, nakasandal, hawak ang kamay ng isa`t isa habang bumabalot ang kalmadong hangin. Lumilipad ang isip sa kalawakan pati na ang pumapalaot na damdami kasama ang agos ng tubig. Ang sarap isipin. Wala nang mas sasarap pa. Ayaw ko nang matapos ang mga oras na iyon. Kung maaari lang huminto ang oras..iyon ang isa sa mga hiling ko nung panahon na iyon. Ano kaya ang susunod na mangyayari? Ewan. Basta, may yate na napalaot sa karagatan.. pagsapit ng gabi, matutulog kami sa isang maliit lona na sapat lamang sa aming dalawa at may baon na kumot dahil sadyang napakalamig ng gabi at sasabayan pa ng bonfire para painitin ang takipsilim. Naglakad kaming dalawa. Naglaro. Kumanta. Nag-usap. Nagtawanan at nagpalitan ng tunay na nararamdaman. Sa makatuwid, sinulit namin ang panahon habang amin ang gabi. Isantabi na muna ang mundo sa sandaling pagkakataon. Masaya. Hindi matanggal ang kislap sa aking mga mata. Gusto kong umiyak. Umiyak sa sobrang saya dahil heto ako ngayon, kapiling ang taong pinakamamahal ko. Haaaay.. sobrang iba ang pakiramdam! Nag-iba ang takbo ng oras ko. Umikot ang mundo ko. Sana nabuhay na lang ako sa panaginip. Mas tatanggapin ko pa iyon. hindi ko alam kung alam niya kung gaano ko siya kamahal. Basta ang alam ko, minsan nabulong ko sa Bathala na huwag niya akong bibigyan ng taong mamahalin ko higit pa sa sarili ko. Pero wala, hindi Siya nakinig. Ayoko nang bumitaw. Sana hindi na matapos ang gabi ng aking paghimlay sa aking kama. Kung panaginip lang ito, ayoko nang magising.
Pero hindi naman lahat ng istorya ay nagwawakas ng maganda. Gaya ng istorya sa aking panaginip. Wala pang ending. Ayokong tuldukan dahil ayokong masaktan. Saka na, pag handa na akong harapin ang bukas na hindi nga ito isang panaginip.
..Love is passion, obsession, someone you can't live without. If you don't start with that, what are you going to end up with? Fall head over heels. I say find someone you can love like crazy and who'll love you the same way back. And how do you find him? Forget your head and listen to your heart. I'm not hearing any heart. Run the risk, if you get hurt, you'll come back. Because, the truth is there is no sense living your life without this. To make the journey and not fall deeply in love - well, you haven't lived a life at all. You have to try. Because if you haven't tried, you haven't lived..